Higit 200 lugar sa Metro Manila, nasa ilalim ng granular lockdown
Pumapalo sa 294 lugar sa National Capital Region ang nasa ilalim ng granular lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Sa datos ng Philippine National Police, ang mga lugar na ito ay kinabibilangan ng 151 Barangay at 10 lungsod at munisipalidad.
Mula sa nasabing bilang, 193 rito ay mga bahay, 14 residential building floors, 39 entire residential buildings, 30 kalye at 18 subdivisions.
Nauna nang ipinahayag ng Malakanyang na ipatutupad ang granular lockdown depende sa dami at bilang ng kaso ng Covid-19 sa isang lugar.
Please follow and like us: