higit 200 tonelada ng basura nahakot sa mga semeteryo sa Maynila
Nasa higit 200 tonelada ng basura ang nahakot sa Manila North at South Cemeteries.
Ayon sa Manila LGU, ang mga basura na ito ay nahakot mula October 28 hanggang November 1.
Sa ginawang Orient and South East Asia Lions o OSEAL Forum, sinabi ni Dr. Patti Hill, presidente ng Lions’ International, na nakakabahala na ang Climate change.
Para labanan ito kailangan aniyang magkaisa ang lahat ng mamamayan sa búong mundo.
Tinukoy ni Hill ang mga kabataan na dapat tutukan din para maturuan ng tamang pangalaga sa kalikasan.
Gaya nang maayos na pagtatapon ng mga plastic sa kapaligiran at ang paglilinis sa mga karagatan.
Hindi lamang ang mga tangible o nakikita mga plastic kundi ang mga micro plastic na dapat ay mapag-aralang tanggalin sa karagatan.
Ang 60th OSEAL Forum ay ginagawa ngayon sa Pilipinas kung saan kabilang sa mga dumalo ay mga delegado mula sa Korea, Japan, Taiwan, Guam, Malaysia, China, Thailand, Hong Kong, Singapore, Pilipinas at iba pang bansa.
Madelyn Villar-Moratillo