Higit 2,000 doses ng Covid-19 vaccine sa QC, naibakuna na

Umabot na sa 2,112,225 doses ng bakuna ang naiturok sa Vaccination Program ng Quezon City.

Sa kabuuan, umaabot na sa 1,437,436 o 84.56% ng 1.7 Million na target population ng lungsod ang nabakunahan na ng first dose sa kabila ng limitadong supply ng bakuna.

Habang umakyat naman sa 674,789 o 42% ang nakatanggap na ng kanilang second dose.

Patuloy na hinihikayat ng City Government ang mga residente na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

Ang mga nabibigyan ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system o prayoridad na mabakunahan ang mga naunang nakapagrehistro, depende pa rin sa supply ng bakuna na dumarating sa lungsod.

Bisitahin lang ang: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy.

Abangan lamang ang iba pang anunsyo sa Facebook page ng lungsod o bisitahin ang https://qcprotektodo.ph para sa ibang detalye ng vaccination program.

TL

Please follow and like us: