Higit 200,000 indibidwal mula sa anim na rehiyon, naapektuhan ng Habagat
Nasa kabuuang 202,213 indibidwal o katumbas ng 50,676 pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng Habagat na pinaigting ng Typhoon Fabian.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga ito ay mula sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Cordillera Administrative Region, at National Capital Region.
Nasa 38,472 katao o 10,242 families ang nananatili sa mga evacuation centers habang nasa 33,767 people o 7,374 families ang nasa labas ng evacuation centers.
Umabot naman sa 244 Barangay ang lubog sa baha at nasa 13 kalsada at anim na tulay ang hindi pa madaanan dahil sa pinsala.
Nasa 447 mga bahay ang partially damaged habang nasa 143 kabahayan naman ang tuluyang napinsala ng bagyo.
Sinabi pa ng NDRRMC na isang 39-anyos na babae ang namatay sa aksidente matapos mabagsakan ng puno sa Kennon road sa Baguio city at 2 katao naman ang nasugatan sa insidente.