Higit 200,000 violators, naitala ng PNP sa implementasyon ng Alert Level 4 sa NCR
Nakapagtala ng kabuuang 227,076 health protocol violator sa Metro Manila ang Philippine National Police sa panahon ng pagpapatupad ng Alert Level 4 sa rehiyon.
Ayon sa PNP, ito ay mula sa naitalang 10,813 violators mula September 16 hanggang October 6.
Mula sa nasabing datos, nasa 53% ang nabigyan ng warning, 41% ang pinagmulta habang nasa 6% ang naharap sa iba pang kaparusahan.
Nasa 2,528 indibidwal naman na hindi Authorized Person Outside Residence (APOR) ang nasita.
Pumapalo sa average na 7,657 katao kada araw ang naitatalang lumalabag sa health protocol sa ilalim ng Alert level system sa NCR.
Please follow and like us: