Higit 22M sim nairehistro na sa bansa; 45 lugar natukoy bilang remote areas –NTC
Umabot na sa mahigit 22 milyong sim ang nairehistro sa bansa.
Kaugnay ito ng nagpapatuloy na mandatory sim registration.
Ayon kay National Telecommunications Commission (NTC) OIC Commissioner Ella Blanca Lopez, pumalo na sa 22,298,090 sim ang nairehistro hanggang nitong Enero 18 na katumbas ng 13.20% ng 168 milyong active subscribers sa Pilipinas.
Pinakamarami sa nakapagparehistro na ay sa Smart na umabot na sa 11.1 milyon, sa Globe naman ay mahigit 9.3 milyon na,
habang 1.8 milyon naman sa Dito.
Sa ginanap nag pulong ng Inter-Agency Ad Hoc Committee for Facilitation of Sim r
Tegistration, may 45 remote areas para sa assisted registration ang SIM Registration Act Task Force ng NTC.
Ayon kay Lopez, ang 45 lugar na ito ay mula sa 15 rehiyon sa bansa.
Ang mandatory sim registration ay nagsimula noong December 27,2022 salig na rin sa Republic Act 11934, at matatapos sa Abril 26 ng 2023.
Madelyn Moratillo