Higit 250,000 doses ng Moderna vaccine, dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa ang panibagong batch ng Moderna vaccine.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, aabot sa 250,800 doses ng Moderna ang dumating na binili ng pamahalaan at ilang pribadong sektor sa pamamagitan ng tripartite agreement.
56,400 doses nito ay binayaran ng pribadong sektor habang 194, 400 doses ang mapupunta sa gobyerno.
Bukas ito sisimulang ideliver para agad maiturok sa mga nasa priority list ng gobyerno pangunahin na sa Metro Manila.
Tiniyak ng kalihim na hindi na matitigil ang pagbabakuna dahil simula bukas darating na ang mas maraming suplay ng bakuna.
Kabilang sa inaasahang darating bukas ang mahigit isang milyong Sinovac, 1.1million na Astrazeneca at 1.5 million na Johnson and Johnson na bahagi ng donasyon ng Amerika.
Aabot aniya sa mahigit tatlong milyong J&J na bakuna ang donasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Meanne Corvera