Higit 29 milyong halaga ng unregistered medicines, nasabat ng BOC-NAIA
Nasa kabuuang 29,328,000 halaga ng mga medisina ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa Port of NAIA.
Ayon sa BOC, ang 146,640 kahon ng mga gamot ay lulan ng anim na shipments mula umano sa Hongkong.
Natuklasang wala itong clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Batay sa isinagawang physical examination sa kargamento, naglalaman ito ng mga kahon ng Lianhua Qingwen Jiaonang na traditional Chinese medicine na kinontrol ng FDA.
Isinailalim na sa seizure at forfeiture proceedings ang mga nasabat na gamot dahil sa paglabag sa Section 1113 at Section 117 ng Customs Modernization and Tariff Act at ng Food and Drugs Act.