Higit 3 libong pasahero at mga sasakyan sa pantalan stranded dahil sa masamang panahon kaugnay ng bagyong Egay
Aabot sa higit 3 libong pasahero, truck drivers, at cargo helpers na ang stranded sa mga pantalan sa Bicol at Eastern Visayas dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Egay.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard, may 20 vessels, at 590 rolling cargoes rin ang stranded.
May 4 na vessels naman ang naka-shelter bilang pag-iingat.
Kahapon dahil sa malakas na hangin at alon dahil sa bagyong Egay ay sumadsad sa karagatang sakop ng Barangay Cabinet, Cabadbaran City, Agusan Del Norte ang landing craft tank Pacifica 2.
Dahil sa masamang sitwasyon sa karagatan ay nagdeklara ang kapitan nito na abandonahin na ang kanilang barko.
Ligtas naman ang 24 crew nito kasama ang kanilang kapitan.
Madelyn Moratillo