Higit 3 Milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Drug buy-bust operation sa Quezon City
Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang higit sa 3.4 milyong pisong halaga ng shabu sa buy bust operation sa Quezon City.
Ang operasyon ay ikinasa sa isang motel sa Brgy. Doña Imelda at apat na tulak ng droga ang naaresto.
Kinilala ang mga suspek na sina Ruby Balani, Joshua Salazar, Mary Jane Duran, at Mineya Amorine.
Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar matagal nang sumasailalim ang mga suspek sa surveillance sa pamamagitan ng isang civilian asset.
Nakuha mula sa suspect ang isang malaking plastic pack na naglalaman ng kalahating kilong shabu at apat na plastic sachet na may lamang 20 gramo ng shabu.
Nagkakahalaga ang mga droga ng 3,455,000 piso.
Nahaharap ang mga suspek sa patong-patong na kaso ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.
Ulat ni Earlo Bringas