Higit 300 COVID-19 vaccines, hindi nagamit sa Davao dahil depektibo
Nadiskubre sa isinagawang vaccination roll-out sa Davao City, na may mga bakunang hindi pwedeng gamitin dahil depektibo.
Napag-alaman na umabot sa 328 ang naitalang deffective vaccines mula sa iba’t ibang brand ng bakuna kontra COVID-19.
Kinumpirma ito ni Dr. Rachel Joy Pasion, Regional Epidemiology Surveillance Unit Head ng Dept Of Health Region 11.
Ang mga depektibong bakuna ay natuklasan sa isinagawang inspeksyon sa mga vaccine bago simulan ang pagbabakuna.
Ayon kay Dr. Pasion, ilan sa vials ng depektibong bakuna ay basag, habang ang iba ay may factory defect.
Sa 328 depektibong bakuna, 42 dito ay Astra Zeneca, 237 ay Pfizer, 48 ang Sinovac at isa ay Sputnik V.
Samantala, nilinaw niya na ang depektibong mga bakuna ay hindi pa expired, dahil bago ipadala sa rehiyon ay tinitiyak ng DOH na ligtas gamitin ang mga ito.
Noreen Ygonia