Higit 300 paglabag sa quarantine protocol, naitala sa Zamboanga city
Nakapagtala ang Zamboanga-PNP ng nasa 392 paglabag sa guidelines ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na umiiral sa lungsod.
Sa tala ng City Government hanggang ngayong May 24, mula sa nasabing bilang, 221 ang bigong makapagprisinta ng Quarantine Pass o Valid ID, 82 naman ang lumabag sa curfew, 60 ang nahuli dahil sa hindi pagsusuot ng face shield, 10 ang hindi nakasuot ng face mack at 19 ang hindi sumunod sa physical distancing.
Ang pagpapalawig ng MECQ sa lungsod ay pinalawig ng hanggang May 31, 2021.
Samantala, ilang mga indibidwal ang nahuling nagsasagawa ng picnic sa Sta. Maria river ng lungsod kahapon sa kabila ng umiiral na MECQ.
Sa pangunguna ng Barangay Sita Task Force, mga Barangay Tanod at mga tauhan ng Police station 7 ay dinakip ang mga ito dahil sa paglabag sa health protocol.
Binalaan at pinagsabihan ni Barangay Chair Los Eli Angeles ang mga violators ng kahalagahan ng pagsunod sa mga safety protocol upang maiwasang kumalat pa ang virus.
Ang Barangay Sta. Maria ay ang ikalawang may pinakamataas na aktibong kaso ng Covid-19 sa Zamboanga city.