Higit 3,000 shark fins, nakumpiska sa Colombia
Libu-libong shark fins ang nakumpiska ng Colombian authorities bago pa ito ilegal na maibiyahe patungong Hong Kong.
Ayon kay environmental ministry head Carolina Urrutia . . . “Bogota seized 3,493 shark fins and 117 kilos of fish bladders that were en route to Hong Kong. The haul highlights the continued demand for shark fin, served at wedding banquets in some Chinese communities and falsely believed to have medicinal properties.”
Ang mga palikpik na inalis mula sa 900-1,000 mga pating, at may sukat na limang metro ay natagpuan kahapon sa limang kahon sa El Dorado airport.
Sinabi pa ni Urrutia . . . “Taken more than three species of shark, the fins were likely harvested in illegal fishing.”
Kinondena rin niya ang aniya’y “irreversible environmental damage to Colombia’s marine ecosystem.”
Simula 2020 ay ipinagbawal na ang shark fishing sa Colombia na tahanan ng 76 sa 500 kilalang uri ng pating, sa pagtatangkang mapigilan ang fin trade sa Asya.
Ang pagbebenta at pagkain ng shark fin ay hindi ilegal sa Hong Kong ngunit kailangan ay lisensiyado ito, at namamalaging lubhang popular sa kabila ng ilang taon nang kampanya laban dito.
Bumaba ang populasyon ng mga pating sa nakalipas na ilang dekada dahil sa shark fin trade at indistrial longline fishing.