Higit 4 milyong halaga ng shabu, nasabat sa anti-drug operation sa Cavite
Nasa kabuuang 4,080,000 pisong halaga ng shabu ang nakumpisa ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Silang, Cavite.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Special Operations Unit-4A , PNP-DEG kasama ang PDEA PRO-4A sa Paliparan-Silang Rd., Brgy Paliparan 1, Dasmariñas Cavite na sinundan ng Hot Pursuit operation sa Lavander St., Kohana Grove, Brgy. Sabutan ng lalawigan.
13 suspect ang arestado sa nasabing operasyon na nakilalang sina:
- Minor Andrada Hamid, a.k.a. Abdul, 26 years old, male, at residente ng Del Pilar Brgy 4 Calamba Laguna;
- Abdullah Dida-Agun
- Naif Dida-agun
- Justine Dida-agun
- Nas Murun
- Nel Ampuan
- Jiovane Acraman
- Jobainah Acraman
- Sittienor Acraman
- Nayla Hadgi
- Johan Acraman
- Sohaima Murun
- Anowar Magtortor Magdara
Maliban sa tinatayang 600 gramo ng shabu, nakuha rin sa mga suspect ang isang Black Toyota Fortuner with Plate Number NAK 5277; Red Ford Ranger Raptor with Conduction Sticker No. C3 S891; Silver Honda Civic with Plate Number ZNG 402; siyam na piraso ng assorted cell phones; Boodle money na nagkakahalaga ng Php 150,000.00 na ginamit bilang buy bust money; at Assorted ID’s ng mga suspect.
Nasa kustodiya na ng Special Operation Unit 4A ang mga nakumpiskang ebidensya para sa documentation habang nahaharap naman sa kasong paglaag sa Republic Act 9165 ang mga suspect.