Higit 4 na milyong estudyante, nag-enroll sa ALS – DepEd
Sinabi ng Department of Education (DepEd0, na higit apat na milyong mga mag-aaral ang nag-enroll sa Alternative Learning System (ALS) sa anim na taon ng Duterte administration.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang ALS ay isang mahalagang pamana ng Duterte administration dahil mas maraming out-of-school youths and adults (OSYAs) ang nag-enroll sa programa.
Aniya . . . “We are happy that the enrollment rate of the ALS has gone up through the years. The numbers have shown that the department has been putting concerted effort to reach our OSYAs nationwide and give them a chance to have a diploma in all basic education levels.”
Lumitaw sa datos mula sa DepEd na ang yearly average ng bilang ng OSYAs na nag-enroll sa ALS sa ilalim ng Duterte administration ay umakyat sa 80 percent kumpara sa nakalipas na dalawang administrasyon.
Kumpara ito sa average na 377, 842 mga mag-aaral na nag-enroll kada taon mula 2005 hanggang 2015.
Ayon naman kay Education Assistant Secretary G.H. Ambat . . . “Under the administration of President Duterte and Secretary Liling (Briones), the annual enrollment is at 681,308. We are reaching more out of school youths and adults through this program.”
Pahayag pa sa DepEd, kabuuang 288 pampublikong mga paaralan at dalawang pribadong eskuwelahan sa sampung rehiyon ang nagpapatupad din ng ALS-Senior High School program, upang bigyan ng dagdag na pagkakataon ang OSYAs.
Ang ALS-SHS program ay sinimulan sa DepEd Region 5 noong 2019, at 62 mga estudyante ang mula noon ay nakakuha na ng kani-kanilang diploma.
Noong Disyembre 2020, ginawa nang institusyon ang ALS program nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11510 na siya ring lumikha sa Bureau of Alternative Learning System para magkaloob ng katulad na sistema para sa non-formal education.