Higit 400 sako ng hybreed corn seed, ipinamahagi ng DA sa mga magsasaka sa Ilagan city
Apat na raan at sampung sako ng hybreed corn seed ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA), katuwang ang city government ng Ilagan, sa mga magsasaka sa lugar.
Ayon kay Ilagan city agriculture officer Moises Alamo, may alokasyon ang DA sa mga magsasaka ng mais bawat taon, kinakailangan lang aniyang maayos na makipag ugnayan ang mga local government unit sa DA, na siya namang ginawa ng city governemnt sa pangunguna ni Mayor Josemarie Diaz.
Dagdag pa ng city agriculture office, panahon na nang pagtatanim ng mais ngayon at ang ipinamahaging corn seed ay maaaring itanim sa dalawang daan at limang ektaryang taniman.
Aminado ang mga kapitan ng barangay, na dahil sa pandemya ng COVID-19 ay nahihirapan ang kanilang corn farmers kung saan hahagilap ng gagamitin sa kanilang mga taniman.
Ang ipinamahaging sako sakong hybreed corn seed, ay nagkakahalaga ng 1.8 million pesos.
Ulat ni Erwin Temperante