Higit 41 percent ng populasyon sa QC, fully vaccinated na
Nasa kabuuang 670,929 ang mga nabakunahan na ng second dose o fully vaccinated na indibidwal sa Quezon City.
Ayon sa city government, ito ay katumbas ng 41.76 percent ng 1.7 milyong target population ng lungsod.
Samantala, umaabot naman sa 1,292,933 o 76.06% ang nabakunahan na ng first dose sa lungsod.
Ito ay sa kabila ng limitadong suplay ng bakuna.
Sa kabuuan, umabot na sa 1,963,922 doses ng bakuna ang naiturok sa lungsod sa ilalim ng #QCProtekTODO Vaccination Program.
Patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na magparehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.
Ang mga nabibigyan ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system o prayoridad na mabakunahan ang mga naunang nakapagrehistro, depende pa rin sa supply ng bakuna na dumarating sa lungsod.
Bisitahin lang ang: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy