Higit 460,000 indibidwal sa Eastern Visayas, fully vaccinated na kontra Covid-19
Nasa kabuuang 463,742 katao sa Eastern Visayas region ang nakakumpleto na ng bakuna kontra Covid-19.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH-8), hanggang September 16, ang nasabing bilang ay mula sa kabuuang 974,470 una at ikalawang dose ng bakuna na ipinamahagi sa mga health worker, senior citizen, people with comorbidities at essential workers sa anim na lalawigan at 7 lungsod sa rehiyon.
Nasa 98.83 percent din ng mga bakuna ang naipamahagi sa rehiyon o katumbas ng nasa 1.299,131 doses.
Ang rehiyon ay may kasalukuyang 419 aktibong vaccination sites.
Patuloy ang paalala ng DOH 8 sa publiko na makipag-ugnayan sa kanilang mga lokal na pamahalan para sa vaccine registration.
Hanggang nitong September 16, 2021, ang rehiyon ay nakapagtala ng 44,952 kabuuang kaso na may 2,168 active cases.
Naitala naman sa 42,299 ang kabuuang recoveries at 485 ang mga namatay.