Higit 5.3 milyong estudyante, naka-enroll na para sa SY 2021-2022
Higit 5.3 milyong estudyante mula kidergarten hanggang Grade 12, ang naka-enroll na para sa school year 2021-2022.
Ayon sa Dept. of Education (DepEd), ang bilang na 5,356,643 ay hanggang nitong Huwebes (Aug. 19).
Pahayag pa ng kagawaran, ang rehiyon na may pinakamaraming enrollees ay ang Calabarzon na may 710,526; sinundan ng Central Luzon na may 450, 202; at Western Visayas na may 436,301.
Batay sa data ng DepEd, 4,557,327 na mga estudyante ang nag-enroll sa panahon ng early registration.
Samantala, 734,306 ang naka-enroll na sa mga pampublikong paaralan habang 63,102 naman sa private schools.
Higit isanglibo o 1,908 na mga estudyante ang naka-enroll na rin sa state universities and colleges at sa local universities and colleges.
Ayon pa sa DepEd, patuloy nilang ipatutupad ang isang blended learning dahil sa pandemya.