Higit 500 inaresto sa Bangladesh capital dahil sa karahasan
Arestado ang mahigit sa 500 katao, kabilang ang ilang opposition leaders, kaugnay ng ilang araw nang sagupaan sa Dhaka, kapitolyo ng Bangladesh, bunga ng mga protesta laban sa job quotas.
Sinabi ni Dhaka Metropolitan Police spokesman Faruk Hossain, “At least 532 people have been arrested over the violence, including some opposition Bangladesh National Party (BNP).”
Ayon kay Hossain, kinabibilangan ito ng most senior leader ng BNP na si Amir Khosru Mahmud Chowdhury at ang kaniyang tagapagsalita na si Ruhul Kabir Rizvi Ahmed. Gayundin ang isang dating national football captain na naging senior BNP figure, na si Aminul Huq.
Kasama rin sa inaresto si Mia Golam Parwar, ang general secretary ng pinakamalaking Islamist party ng bansa, ang Jamaat-e-Islami.
Sinabi pa ng opisyal, na hindi bababa sa tatlong pulis ang napatay sa panahon ng kaguluhan sa kapitolyo, at nasa 1,000 naman ang nasaktan, at hindi bababa sa 60 sa mga ito ang ktirikal.
Nitong nagdaang weekend, nagpatrulya ang mga sundalo sa mga siyudad sa Bangladesh upang pigilan ang lumalaking civil unrest na nag-umpisa sa demonstrasyon ng mga estudyante, kung saan pinapuputukan ng riot police ang mga protester na hindi sumusunod sa government curfew.
Ang karahasan sa linggong ito ay ikinamatay na ng hindi bababa sa 133 katao, ayon sa ulat ng mga pulis at mga ospital, na nagsisilbing isang malaking hamon sa autocratic government ni Prime Minister Sheikh Hasina, makaraan ang 15 taon niyang panunungkulan.
Ipinatupad kasi ang isang government curfew pagdating ng hatinggabi, at inatasan ng premier’s office ang militar na magdeploy ng troops makaraang mabigo ang mga pulis na sawatain ang kaguluhan.
Sinabi ni armed forces spokesman, Shahdat Hossain, “The army has been deployed nationwide to control the law and order situation.”
Ang curfew ay mananatili hanggang sa Linggo ng alas-10:00 ng umaga ayon sa report ng private broadcaster na Channel 24.
Ang mga lansangan sa Dhaka ay halos walang tao pagsapit ng umaga, habang makikita naman ang mga sundalo na naglalakad at ang iba ay sakay ng armored personnel carriers na nagpapatrulya sa lungsod na tahanan ng 20 milyong katao.
Subalit libu-libo ang nagbalikan din sa mga kalsada kalaunan sa residential neighbourhood ng Rampura, kaya nagpaputok ang mga pulis kung saan isa ang nasugatan.
Kuwento ng 52-anyos na protester na si Nazrul Islam, “Our backs are to the wall. There’s anarchy going on in the country… They are shooting at people like birds.”
Ang mga ospital naman ay nag-ulat ng dumaraming bilang ng mga namatay dahil sa gunshot.
Ayon sa tagapagsalita ng pulisya, “Hundreds of thousands of people had battled police across the capital on Friday. At least 150 police officers were admitted to hospital. Another 150 were given first aid treatment, and two officers had been beaten to death. The protesters torched many police booths… Many government offices were torched and vandalised.”
Sinabi ng staff sa Dhaka Medical College Hospital, na dalawa pang pulis at siyam na iba pa ang namatay noong Sabado, habang ang apat na na-admit sa intensive care ay namatay din dahil sa tinamo nilang injuries.
Samantala, tatlo pang protesters ang namatay sa industrial town ng Savar sa labas ng Dhaka, isang major centre ng garment export ng Bangladesh.
Kinumpirma ng tagapagsalita ng Enam Medical College Hospital na si Zahidur Rahman ang nasabing mga pagkamatay, at idinagdag na, “nine people came here with bullet wounds.”
Sinabi ng isang tagapagsalita para sa Students Against Discrimination, ang main group na nago-organisa sa mga protesta, na dalawa sa kanilang mga lider ang naaresto na simula pa noong Biyernes.
Si Hasina, ay nakatakda na sanang umalis ng bansa noong Linggo para sa isang nakaplano nang diplomatic tour, ngunit hindi na tumuloy matapos ang isang linggong karahasan.
Sinabi ng kaniyang press secretary na Nayeemul Islam Khan, “She has cancelled her Spain and Brazil tours due to the prevailing situation.”
Ang halos araw-araw na mga protesta ngayong buwan ay nananawagan para ihinto na ang isang quota system, kung saan ang mahigit sa kalahati ng civil service posts ay inirereserba para sa isang tukoy na grupo, kabilang ang mga anak ng mga beteranong lumaban sa 1971 liberation war laban sa Pakistan.
Ayon sa mga kritiko, ang makikinabang lamang sa sistema ay ang mga pamilyang tapat sa 76-anyos na si Hasina, na noon pang 2009 nagsimulang mamuno sa Bangladesh, at noong Enero ay nagwagi para sa ika-apat na sunod na niyang panalo sa eleksiyon, sa isang halalan na walang genuine opposition.
Ang administrasyon ni Hasina ay inaakusahan ng rights groups ng maling paggamit sa state institutions upang mapalakas ang kaniyang posisyon at parusahan ang mga tumututol, gaya ng extrajudicial killing ng opposition activists.
Simula nang may mga namatay noong nakaraang Martes, nagsimula na ring i-demand ng mga nagpo-protesta ang pagbaba ni Hasina sa puwesto.
Ayon sa 24-anyos na business owner na si Hasibul Sheikh, “It’s not about the rights of the students anymore. We are here as the general public now. Our demand is one point now, and that’s the resignation of the government.”
Sinabi naman ni Pierre Prakash ng Crisis Group, “The lack of competitive elections since Hasina took office had led to mounting public frustration. With no real alternative at the ballot box, discontented Bangladeshis have few options besides street protests to make their voices heard.”
Sa isang pahayag ay sinabi ni Babu Ram Pant ng Amnesty International, “The rising death toll is a shocking indictment of the absolute intolerance shown by the Bangladeshi authorities to protest and dissent.”
Nagpatupad ang mga awtoridad ng isang nationwide internet shutdown nong Huwebes na umiiral pa hanggang ngayon, na lubhang nakaapekto sa komunikasyon sa loob at labas ng Bangladesh.
Namamalagi ring offline ang government websites remain offline, at hindi na rin nagagawang mag-update ng kanilang social media platforms ang mga pangunahing pahayagan gaya ng Dhaka Tribune at Daily Star, mula pa noong Huwebes.
Maging ang Bangladesh Television, na siyang state broadcaster, ay namamalaging offline matapos sunugin ng mga nagpoprotesta ang kanilang Dhaka headquarters.