Higit 60 lider at miyembro ng Abu Sayyaf Group, hinatulang guilty ng korte kaugnay sa pagkidnap ng mga opisyal, guro at estudyante sa Basilan noong 2000

Hinatulang guilty sa kasong kidnapping at serious illegal detention ng Pasig Regional Trial Court Branch 216 ang mahigit 60 lider at miyembro ng Abu Sayyaf Group na sangkot sa pagdukot sa 52 opisyal, guro at mga estudyante sa Basilan noong 2000.

Sa desisyon ng Pasig RTC, pinagbabayad nito ng mahigit siyam na milyong piso ang bawat buhay na akusado bilang danyos sa 52 dinukot nila noon.

Kabilang sa mga kinasuhan noon sina Khadaffy
Janjalani at Abu Sabaya na parehong napatay sa operasyon ng militar.

Matatandaan na umakyat pa sa kuta ng ASG ang aktor na si Robin Padilla para kausapin ang mga ito pakawalan lalo na ang mga bata na mag- aaral ng Tumahubong Claret Elementary School.

Unang pinakawalan  ang 18 hostages kapalit ng 200 sako ng bigas pero pinatay pa rin nila ang paring si Rhoel Gallardo at 3 lalaking bihag na guro.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *