Higit 70 patay sa pag-atake ng mga militante sa Pakistan
Hindi bababa sa 73 katao ang napatay sa lalawigan ng Balochistan sa Pakistan, nang salakayin ng mga separatistang militante ang mga istasyon ng pulisya, mga linya ng riles at highway.
Ang nabanggit na mga pag-atake ng ethnic militants ay ang pinakalaganap sa nagdaang mga taon. Isang dekada nang ipinakikipaglaban ng mga ito na makuha ang mayamang southwestern province, na kinaroroonan ng major China-led projects gaya ng isang daungan at minahan ng ginto at tanso.
Sinabi ni Interior Minister Mohsin Naqvi, “These attacks are a well thought-out plan to create anarchy in Pakistan.”
Sinabi ng militar ng Pakistan na 14 na sundalo at pulis at 21 militante ang napatay sa bakbakan matapos ang pinakamalaki sa mga pag-atake, na ang target ay mga bus at trak na dumaraan sa isang pangunahing highway.
A view shows charred vehicles, after separatist militants conducted deadly attacks, according to officials, in Balochistan province, Pakistan, August 26, 2024, in this screengrab obtained from a video. Reuters TV via REUTERS
Sabi naman ng punong ministro ng Balochistan na 38 sibilyan din ang namatay. Ayon sa mga lokal na opisyal, 23 sa kanila ang napatay sa pag-atake sa tabing daan matapos suriin ng mga armadong lalaki ang ID ng mga pasahero bago barilin ang marami sa kanila at sinunog ang mga sasakyan.
Sa isang televised press conference ay sinabi ni Chief Minister Sarfraz Bugti, “People were taken off buses and killed in front of their families.”
Ayon naman sa railways official na si Muhammad Kashif, “Rail traffic with Quetta was suspended following blasts on a rail bridge linking the provincial capital to the rest of Pakistan. Militants also struck a rail link to neighbouring Iran.”
Natagpuan ng pulisya ang anim na hindi pa nakikilalang bangkay malapit sa pinangyarihan ng pag-atake sa railway bridge.
Sinabi rin ng mga opisyal na tinarget din ng mga militante ang police at security stations sa Balochistan, ang pinakamalaki ngunit hindi masyadong mataong lalawigan ng Pakistan, kung saan hindi bababa sa sampu katao ang namatay sa isang pag-atake lamang .
Inako ng Baloch Liberation Army (BLA) militant group ang responsibilidad sa operasyon na tinawag nilang “Haruf” o “dark windy storm.”
Sa isang pahayag sa media ay inangkin ng grupo ang maraming pag-atake sa nakalipas na ilang araw, na hindi pa kinukumpirma ng mga awtoridad.
Sinabi ng grupo na apat na suicide bombers, kabilang ang isang babae mula sa southern port district ng Gwadar, ay sangkot sa pag-atake sa Bela paramilitary base. Hindi kinumpirma ng mga awtoridad ng Pakistan ang suicide blasts, ngunit sinabi ng punong ministro ng probinsiya na tatlong tao ang napatay sa base.
People carry the body of a victim, who was killed after separatist militants attacked railway lines in Pakistan’s restive province of Balochistan, at a hospital in Quetta, Pakistan, August 26, 2024. REUTERS/Naseer Ahmed
Ang BLA ang pinakamalaki sa ilang mga pangkat etnikong naghihimagsik at nakikipaglaban sa central government, dahil sinasabi nilang hindi patas ang umano’y pagsasamantala ng gobyerno sa mga yamang gas at mineral sa lalawigan, kung saan laganap ang kahirapan. Nais nito ang pagpapatalsik sa Tsina at kalayaan para sa Balochistan.
Nangako naman si Prime Minister Shehbaz Sharif, na gaganti ang security forces at papananagutin ang mga responsable.
Sinabi ng chief minister na si Bugti, na higit pang intelligence-based operations ang ilulunsad upang mabuwag ang mga militante. Nagpahiwatig siya na babawasan ang mobile services upang mapigilan ang militant coordination.
Aniya, “They launch attacks, film it and then share it on social media for propaganda.”
Nagpulong nitong Lunes sina General Li Qiaoming, kumander ng People’s Liberation Army Ground Forces ng China at ang Pakistan army chief na si Asim Munir, ngunit sa pahayag na inilabas ng Pakistani military pagkatapos ng pulong ay walang binanggit tungkol sa mga pag-atake.
Sinabi naman ni European Commission spokesperson Nabila Massrali, na kinokondena ng EU ang pag-atake.
Noong Linggo ng gabi, hinarangan ng mga armadong lalaki ang isang highway, pinalabas ang mga pasahero sa mga sasakyan, at binaril sila pagkatapos suriin ang kanilang mga identity card, ayon sa isang senior police superintendent na si Ayub Achakzai.
Halos nasa 35 mga sasakyan din ang sinunog sa kalsada sa Musakhail area.
Sinabi ni Hameed Zahir, deputy commissioner sa lugar, “The armed men also not only killed passengers but also killed the drivers of trucks carrying coal.”
Tinarget din ng mga militante ang mga manggagawa mula sa silangang lalawigan ng Punjab sa Pakistan, na sa tingin nila ay nagsasamantala sa kanilang resources.
A man is consoled as he waits to receive the body of his father, who was killed after separatist militants attacked railway lines in Pakistan’s restive province of Balochistan, outside a hospital in Quetta, Pakistan, August 26, 2024. REUTERS/Naseer Ahmed
Sa mga nakaraan ay inatake rin nila ang Chinese interests at mga mamamayan sa lalawigan, kung saan pinatatakbo ng China ang deepwater port ng Gwadar, maging ang isang minahan ng ginto at tanso sa kanluran.
Sinabi ng BLA na pinuntirya ng kanilang fighters ang mga tauhan ng militar na naglalakbay na nakadamit sibilyan, pero ayon sa interior ministry ng Pakistan, ang mga napatay ay mga inosenteng mamamayan.
Anim na security personnel, tatlong sibilyan at isang tribal elder ang bumubuo sa sampung napatay sa pakikipagsagupa sa armadong mga militante na umatake sa isang istasyon ng Balochistan Levies sa central district ng Kalat, ayon sa police official na si Dostain Khan Dashti.
Dagdag pa ng mga opisyal, inatake rin ang mga istasyon ng pulisya sa dalawang coastal towns sa timog, ngunit hindi pa makumpirma ang bilang ng mga namatay.