Higit 80 milyong halaga ng iligal na droga, nasabat sa mga anti-drug operation sa Pasay at Paranaque
Aabot sa 81 milyong pisong halaga ng mga iligal na droga ang nasabat sa magkakahiwalay na operasyon sa Pasay at Parañaque city.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), tatlong indibidwal ang naka-engkuwentro ng mga pulis pero napatay ang mga ito sa sagupaan.
Kinilala ang mga nasawi na sina alyas Domeng, Rey at Richard Gumander.
Si Gumander umano ay napatay sa West Service Road, Barangay Sun Valley pasado alas- 11:oo ng gabi ng April 10.
Nakuha sa kaniya ang nasa 34 milyong pisong halaga ng mga iligal na droga.
Habang sina alyas Domeng at Rey ay dead on the spot matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagpanggap na buyer ng droga sa Merville, C5 extension Barangay 201, madaling-araw ng April 11.
Nakuha mula sa kanila ang hindi bababa sa isang kilo ng shabu, anim na pakete ng na naglalaman ng halos 6 kilo ng iligal na droga at nagkakahalaga ng 47, 600,000 piso.
Mlaiban dito, nakarekober din ang pulisya ng isang sasakyan, boodle money na nagkakahalaga ng 1,500,000 at dalawang maliliit na kalibre ng baril na may kasamang magazine.