Mga pasahero, dumagsa sa mga pantalan sa bansa
Umabot na sa 18,598 outbound passengers at 16,419 inbound passengers ang naitala ng Philippine Coast Guard sa iba’t-ibang pantalan sa bansa hanggang kaninang alas-12:00 ng tanghali
Ayon sa PCG, nasa kabuuang 295 vessel at 381 motorbanca naman ang nainspeksyon ng mga nakatalagang frontline personnel sa 15 coast guard districts.
Naka-heightened alert din ang PCG simula pa October 29 hanggang November 4 dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga daungan para umuwi sa mga lalawigan.
Inaasahan din ang pagdagsa ng mga turista sa mga pasyalan ngayong long weekend lalu na’t marami nang nagbukas na tourist destinations kasunod ng paglalagay sa mas maluwag na quarantine ng NCR at ilan pang lugar sa bansa.
Paalala ng PCG sa publiko, alamin muna ang ipinatutupad na ordinansa sa mga lokal na pamahalaan upang hindi masayang ang kanilang lakad.
Maaari ding makontak ang PCG sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page o Coast Guard Public Affairs na 0927-560-7729 para sa mga katanungan.