Higit 95,000 indibidwal, nabakunahan na sa QC
Mahigit na sa 95,000 indibidwal mula sa priority lists – A1 hanggang A3 ang nabakunahan na kontra Covid-19 sa Quezon City.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan, hanggang April 17 na lamang muna ang kanilang registration para sa mga priority group na nabanggit.
Ito ay dahil sa fully booked na ang registration hanggang April 17, 2021 ng ZConsult.
Ayon sa QC Government, naghihintay pa sila ng karagdagang bakuna mula sa DOH.
Binigyang-diin ng Local Government na mag-book lamang kung kabilang sa priority groups A1 (medical frontliners), A2 (senior citizens) at A3 (persons with comorbidities o may sakit gaya ng diabetes, sakit sa puso, cancer, hypertension etc).
Kaugnay nito, pinayuhan ng City Government ang mga residente na abangan ang kanilang announcement sa kanilang facebook page para schedule ng kanilang pagbabakuna.
Belle Surara