Higit isang milyong halaga ng mga ari-arian, natupok sa sunog sa Cupang, Muntinlupa city
Aabot sa 65 pamilya o nasahigit 200 residente ang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa Aquino Compound sa Cupang, Muntinlupa City nitong Miyerkules.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang ala-1:00 ng madaling-araw sa bahay ng Dacera family at mabilis na kumalat ito sa iba pang bahay.
Umabot pa sa ikalawang alarma ang sunog at idineklara itong fire-out alas 4:02 na ng umaga.
Walang nasawi sa insidente gayunman ay marami ang sugatan dahil ang iba ay tumalon sa creek para lamang makaligtas sa sunog.
Ang Philippine Red Cross at Health Office naman ay nagsagawa ng medical services para sa mga nasugatan gaya ng anti-tetanus vaccination.
Namahagi na rin ng Financial assistance ang DSWD sa mga biktima.
Tinatayang nasa 1.4 million ang halaga ng pinsala ng sunog.