Higit P4-B nakolekta ng LTO via online payment sa loob ng 3 taon
Nakakolekta ang land transportation office ng mahigit 4-Billion pesos para sa kanilang online payment system sa pagpaparehistro ng sasakyan sa Metro manila sa nakalipas na tatlong taon.
Ayon kay Atty Clarence Guinto ang Regional Director ng LTO sa NCR, ginawa ito para bawasan ang human intervention o fixers at unti unting mawalis ang kurapsyon sa ahensya.
Sa pamamagitan rin nito mas napabilis ang transaksyon sa ahensya.
Sa ilalim ng sistema, maari nang iparehistro ang mga bagong sasakyan at maaring bayaran online gamit ang kanilang accredited payment gateway.
Sa kanilang datos, aabot sa isanglibong mga bagong motorsiklo at mga sasakyan ang nakakapagparehistro araw araw.
Bukod sa Metro manila ginagawa na rin aniya ito sa LTO Region 3, 4 , 5 at sa Davao city.
Sisimulan na rin aniya nila ang kaparehong sistema para naman sa renewal ng rehistro.
Nakikipagtulungan na rin sila sa DICT para mas pabilisin ang internet service at hindi bumagsak ang kanilang sistema oras na simulan ang renewal registration.
Meanne Corvera