Higit P7B supplemental loan para sa MRT 3 rehabilitation nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Japan
Ginawa nang pormal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Embahada ng Japan ang P7.61 billion na supplemental loan ng Japanese government para sa rehabilitasyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3.
Ito ay sa pamamagitan ng exchange of diplomatic notes sa pagitan nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Chargé d’ Affaires Kenichi Matsuda sa tanggapan ng DFA sa Pasay City.
Una rito ay lumagda sa loan agreement ang Department of Finance (DOF) at ang Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ayon kay Secretary Manalo, mahalagang kontribusyon ang proyekto upang mapagbuti ang kalidad ng transport infrastructure sa bansa at masuportahan ang Build Better More program ng Marcos Government.
Sinabi ng DFA na ang Japan ang pangunahing bilateral Official Development Assistance (ODA) partner ng Pilipinas.
Layon ng supplemental loan na mapagbuti ang serbisyo at kaligtasan ng MRT Line 3.
Moira Encina