Higit P802 million cash subsidies, ipinamahagi sa PUV operators sa ilalim ng Bayanihan law 2
Higit P802 million cash subsidies ang naipamahagi sa mga operator ng public utility vehicle (PUV), na ang kabuhayan ay naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ipinahayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Martin Delgra, na ang nabanggit na halaga ay naibigay noong Dec. 3, ay katumbas ng 87.52 percent disbursement rate.
Sinabi ni Delgra, na ang halaga na bahagi ng P1. 158 billion total budget na alokasyon bilang direct cash subsidy sa ilalim ng Solidarity to Recover as One Act o Bayanihan 2 law—ay ipinamahagi sa operators ng 123,517 units.
Aniya, ang nalalabing 12 % ay ipamamahagi sa mga susunod na araw, na ang halaga ay P917, 338,500.00 na ipamamahagi naman sa operators ng 17,612 PUV units.
Sa ilalim ng Direct Subsidy Program, bawat operator ay bibigyan ng P6, 500 bawat PUV unit sa ilalim ng isang prangkisa.
Liza Flores