Higit walong libong bagong active cases, naitala sa Quezon City
Nakapagtala ng 8,894 na panibagong kaso ng Covid-19 ang Quezon City, at ayon sa Public Information Office ng syudad, ang mga panibagong kaso ay mula sa mga Distrito nito.
Ang District 1 ay nakapagtala ng 1, 593 mga bagong active cases, habang nasa 6, 698 na ang gumaling at 183 ang nasawi.
Sa District 2 naman ay nasa 1,152 ang bagong active cases at nasa 4,886 ang gumaling, habang nasa 167 ang namatay.
Ang District 3 ay nakapagtala ng nasa 1,560 active cases, nasa 5,847 ang gumaling at ang namatay ay nasa 133.
Nasa 2,005 naman ang active cases sa District 4, 7,699 ang gumalingat nasa 137 na ang nasawi.
Ang ika-limang Distrito ay maytoong 1,398 aktibong kaso, nasa 5,432 ang gumaling at nasa 132 naman ang nasawi.
Ang Ditrito 6 ay nakapagtala ng nasa 1,186 active cases, 5,952 naman ang nakarecover at ang namatay ay 143.
Sa kabuuan, nasa 78.9% na ang gumaling o katumbas ng 36,514.
Ayon sa Epedemiology and Diseased Surveillance Unit o CESU, nasa 8,894 sa kabuuan ang kumpirmadong active cases mula sa 46,303 kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.
Mula naman sa contact tracing, ang mga suspected COVID case ay nasa 231,152.
Ulat ni Retchel Micu