Hiling ng Comelec na makapagsagawa ng voting dry run para sa 2022 Elections, pinayagan ng IATF
Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang kahilingan ng Commission on Elections na makapagsagawa ng voting dry run para sa halalan sa susunod na taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque batay sa kahilingan ng COMELEC sa IATF isasagawa ang voting dry run sa lungsod ng San Juan sa October 23 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Roque nais ng COMELEC na magkaroon ng simulation kung papaano isasagawa ang proseso ng pagboto ng mga botante sa May 9, 2022 elections sa gitna ng Pandemya ng COVID- 19.
Inihayag ni Roque ang 2022 elections ang kauna-unahang halalan sa bansa na pangangasiwaan ng COMELEC na may kinakaharap na problema ng Coronavirus.
Niliwanag ni Roque mahalagang malaman ng mga botante kung ano ang mga dapat na gawing pag-iingat sa mga polling precint ng hindi malalagay sa panganib ang kalusugan ng mga mamamayan dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.
Vic Somintac