Hiling ng hudikatura na madagdagan ang 2022 budget, inaprubahan ng Senate Committee on Finance
Inaprubahan ng Senate committee on finance ang hiling ng hudikatura na madagdagan ang kanilang taunang budget na 7.47 Billion pesos .
Sa budget hearing , umangal ang hudikatura at iginiit na unconstitutional ang ginawang pagtapyas sa kanilang tauhang budget , aabot sa 44.48 billion ang inirekomendang pondo ng Department of Budget and Management o DBM sa judiciary.
Mas mababa kumpara sa kanilang pondo ngayong taon na 45.31 billion malayo sa kanilang rekomendasyon na mahigit 67 billion.
Ayon kay Court administrator Jose Midas Marquez batay sa section 3 article 8 ng saligang batas , dapat hindi bumaba sa kasalukuyang taon ang pondo na ibibigay sa judiciary.
Iginiit ni Marquez na ang kanilang hinihinging pondo ay para sa pagtatayo ng mga bagong posisyon tulad ng Judicial Integrity Board na binubuo ng mga retired justice ng Supreme Court at Court of Appeals.
Ang JIB ang naatasang magsuri ng mga administrative cases na isinampa laban sa mga justice, judge at court personnel na siyang magrerekomenda naman sa Korte suprema.
Bukod pa rito ang pondo para sa mga family courts , hazard pay ng judges at communication expenses ng mga nagsasagawa ng hearing sa pamamagitan ng video conferencing.
Meanne Corvera