Hiling ng ICC na huwag kumalas ang Pilipinas, ibinasura ng Malakanyang
Hindi na mababago ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute na lumilikha ng International Criminal Court o ICC.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque huli na ang pakiusap ng ICC.
Batay sa statement ng ICC hinihiling nito na huwag kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute.
Ayon kay Roque naipadala na ng Pilipinas ang Notice of Withdrawal sa United Nations Secretary General office.
Inihayag ni Roque na dahil sa paglabag mismo ng ICC Special Prosecutor sa principle of complimentarity na nasa probisyon ng Rome Statute ang pangunahing dahilan kaya nagpasya ang Pangulo na umalis na sa ICC ang Pilipinas.
By: Vic Somintac