Hindi awtorisadong presensya ng foreign dredging vessel sa Bataan, iniimbestigahan na ng PCG
Iniimbestigahan na ng The Philippine Coast Guard, ang anila’y unauthorized presence ng isang foreign dredging vessel sa Bataan.
Ayon sa isang pahayag ng PCG, ang Chinese dredger type vessel na namataan sa layong seven nautical miles sa timog-kanluran ng Orion Point noong January 27, ay naka-off ang automatic identification system transponder, isang paglabag sa maritime protocols para sa foreign vessels.
Ayon pa sa pahayag, nabigo rin ang dalawang Cambodian crew members na magpakita ng kaukulang mga dokumento.
Dagdag pa ng PCG, beneripika ng Bureau of Customs (BOC) na ang vessel ay binigyan ng departure clearance ng Customs office sa Aparri, Cagayan higit isang taon na ang nakalilipas.
Ibig sabihin, ang presenya nito sa nabanggit na bisinidad ay ilegal at walang pahintulot.
Sinabi ng PCG, na nakatakdang mag-isyu ng warrant of seizure and detention ang BOC sa naturang vessel.
Liza Flores