Hindi bababa sa 20 katao, patay sa cholera outbreak sa Nigeria
KANO, Nigeria (AFP) – Inihayag ng isang health official na hindi bababa sa 20 katao ang namatay, sa cholera outbreak sa northern Nigeria sa nakalipas na 2 linggo, at higit 300 pa ang na-ospital.
Ayon kay state health commissioner Mohammed Maigoro, ang latest outbreak sa Bauchi state ay napaulat sa siyam na distrito, kung saan pinakagrabeng tinamaan ay ang Bauchi na siyang kapitolyo ng estado.
Ayon kay Maigoro . . . “So far we have recorded 20 desrhs and 322 cases from the cholera outbreak in nine local government areas in the past two weeks. The Bauchi metropolis has been worst affected, accounting for half of the fatalities and 147 out of the 322 reported cases.”
Sinabi pa ni Maigoro na tumataas ang mga kaso, at inatasan na ng gobyerno ang lahat ng 20 distrito sa estado na i-activate ang kanilang emergency response teams, at buksan ang cholera quarantine centers.
Aniya, nagpadala na ng health personnel at mga gamot sa mga apektadong lugar, habang pinaigting naman ang public sensitization campaigns sa water sanitation at personal hygiene.
Ang cholera ay isang water-borne bacterial infection na nakaaapekto sa intestinal tracts at may sintomas ng pagsusuka, matubig na dumi, dehydration, at pagkapagod.
Ito ay maaaring maisalin ng mga langaw na dumapo sa pagkain, at posibleng makamatay kapag hindi agad naagapan.
Ayon sa Nigeria Center for Disease Control (NCDC), walong estado sa Nigeria ang nag-ulat ng hinihinalang cholera cases ngayong taon na kinabibilangan ng Benue, Delta, Zamfara, Gombie, Bayelsa, Kogi, Sokoto, at Nasarawa.
Kabuuang 1, 746 na hinihinalang kaso kabilang ang 50 namatay ang napaulat sa mga nabanggit na estado simula noong Enero, kung saan higit sa kalahati ng kumpirmadong kaso ay mga batang nasa pagitan ng edad 5 at 14.
Ang Nigeria na pinakamalaking oil producer ng Africa, ay nagdaranas ng mataas na antas ng water-borne diseases bilang resulta ng mga sira-sira nang imprastraktura at under-investment.
@ Agence France-Presse