Hindi bababa sa 26, patay sa lindol sa Afghanistan
Hindi bababa sa 26 ang nasawi matapos tamaan ng lindol ang western Afghanistan.
Ang mga biktima ay namatay nang mabagsakan ng gumuhong bubong ng kanilang bahay sa Qadis district, isang western province ng Badghis.
Ayon sa US Geological Survey, ang mababaw na lindol ay may magnitude na 5.3
Ayon sa tagapagsalita ng probinsiya na si Baz Mohammad Sarwary . . . “Five women and four children are among the 26 people killed in the eartquake while four more were injured.”
Aniya, nagdulot din ng pinsala ang lindol sa mga residente sa Muqr district sa lalawigan, subali’t wala pang detalye.
Ang Qadis ay isa sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng mapaminsalang tagtuyot, at kaunti lamang ang napapakinabang mula sa international aid sa nakalipas na 20 taon.
Ang Afghanistan ay malimit dalawin ng mga paglindol, laluna sa Hindu Kush mountain range na malapit sa junction ng Eurasian at Indian tectonic plates.