Hindi bababa sa 28 ang patay matapos madiskaril ang tren sa southern Pakistan
Hindi bababa sa dalawampu’t walo katao ang nasawi nang madiskaril ang isang express train sa southern Pakistan.
Sinabi ni railway minister Khawaja Saad Rafique, na halos isanglibong mga pasahero ang lulan ng Hazara Express nang madiskaril ito sa isang bahagi ng riles na wala namang iniulat na kasiraan.
Ang Hazara Express ay isang pang-araw-araw na pampasaherong tren na umaalis sa port city ng Karachi sa timog at tumatagal ng humigit-kumulang tatlompu’t tatlong oras upang marating ang Havelian sa lalawigan ng Khyber Pakhtunkhwa, mga isanglibo at anim na raang kilometro sa hilaga.
Ayon kay Rafique, maaaring may dalawang rason nang pagkakadiskaril ng tren. Una ay mechanical fault at ang ikalawa ay sinadya, maaari aniyang isa iyong sabotahe kaya magsasagawa sila ng imbestigasyon ukol dito.
Aniya, “This is quite a big accident.”
Soldiers come to the scene after coaches of an Express train derailed at Nawabshah, southern Sindh province, Pakistan on August 06, 2023. The death toll from the accident rose to 28 and 50 injured people have been transported to nearby hospitals. At least 10 carriages of Hazara Express, which was traveling from the port city of Karachi to the northeastern garrison city of Rawalpindi, derailed near the Nawabshah district, some 267 kilometers (166 miles) from Karachi, Pakistan Railways as reported. Shakeel Ahmed / Anadolu Agency / SHAKEEL AHMED / ANADOLU AGENCY / Anadolu Agency via AFP
Nangyari ang insidente malapit sa Sahara railway station na malapit sa Nawabshah city sa southern Sindh province, kung saan sinabi ng isang railway offcial na si Mohsin Syal, na walong bagon ang nadiskaril.
Samantala, isang emergency ang idineklara sa mga lokal na pagamutan dahil nahihirapan ang mga doktor na gamutin ang mga nasaktan.
Nagkaroon ng kaguluhan sa Nawabshah Trauma Center habang dinadala ng mga ambulansya at pribadong sasakyan ang mga nasugatan para gamutin.
Ang mga aksidente at pagkadiskaril ay madalas na nangyayari sa lumang sistema ng riles sa Pakistan, na may halos 7,500 kilometro (4,600 milya) ng riles at nagbibiyahe ng higit sa 80 milyong pasahero sa kada taon.