Hindi bababa sa 30 patay, marami ang nawawala makaraang sumabog ng dam sa eastern Sudan

Flood water creates a channel, with the Red Sea mountains visible in the background, in Port Sudan, Sudan, August 26, 2024. REUTERS/El Tayeb Siddig/File Photo

Hindi bababa sa 30 katao ang namatay, bagama’t maaaring mas marami pa ayon sa United Nations, at na-wipe out ang halos 20 villages nang sumabog ang isang dam sa eastern Sudan.

Ang malakas na pag-ulan ay nagdulot ng mga pagbaha na nagpaapaw sa Arbaat Dam, na 40 km (25 milya) lamang sa hilaga ng Port Sudan.

Sa kaniyang mensahe sa staff ay sinabi ni Omar Eissa Haroun, pinuno ng water authority para sa Red Sea state, “The area is unrecognizable. The electricity and water pipes are destroyed.”

Ayon naman sa isa sa first responder, “Between 150 and 200 people were missing.”

A person walks through flood water in Port Sudan, Sudan, August 26, 2024. REUTERS/El Tayeb Siddig

Banggit ang mga lokal na awtoridad ay sinabi ng United Nations na nasa 50,000 katao ang naapektuhan ng pagbaha, at idinagdag na ang nasabing bilang ay kumakatawan lamang para sa west area ng dam dahil ang east area ay hindi ma-access.

Ang dam ang pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa Port Sudan, na tahanan ng pangunahing daungan ng bansa, ang Red Sea port, at ng airport na siyang bagsakan ng karamihan sa mga kinakailangang aid deliveries.

Sinabi ng mga opisyal na ang dam ay nagsimulang gumuho at naipon dito ang silt sa mga araw na malakas ang ulan, na mas maagang dumating kaysa karaniwan.

Ang mga dam, kalsada at tulay ng Sudan ay may mga kasiraan na bago pa nagsimula ang digmaan sa pagitan ng hukbong Sudanese at ng paramilitary Rapid Forces noong Abril 2023.

People dig a grave to bury a relative who died in the devastating floods, in Port Sudan, Sudan, August 26, 2024. REUTERS/El Tayeb Siddig

Kapwa ginugol ng magkabilang panig ang kanilang resources sa hidwaan, at labis na napabayaan ang imprastraktura.

Sinabi ng health ministry, “Some people had fled their flooded homes and headed to the mountains where they were now stranded.”

Ayon sa United Nations agencies, sinabi ng rainy season task force ng gobyerno, na 132 katao ang namatay sa baha sa magkabilang panig ng bansa, mas mataas kaysa 68 dalawang linggo ang nakalipas.

Hindi bababa sa 118,000 naman ang na-displace ng mga pag-ulan ngayong taon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *