Hindi bababa sa 43, patay sa pananalasa ng Tropical Depression Helene
Nagdala ng “life-threatening flooding” ang Tropical Depression Helene sa malawak na bahagi ng US Southeast, kung saan hindi bababa sa 43 katao ang namatay sa bagyo na nagpalubog sa mga bahay, nagdulot ng mudslides, naging banta sa mga dam at naging sanhi upang mawalan ng suplay ng kuryente ang mahigit sa 3.5 milyong mga tahanan at negosyo.
Bago kumilos pa-hilaga sa Georgia at sa Tennessee at Carolinas, hinagupit ni Helene ang rehiyon ng Big Bend ng Florida bilang isang malakas na Category 4 storm noong Huwebes ng gabi, na may lakas ng hangin na 140 mph (225 kph). Nag-iwan ito ng nakabaligtad na mga bangka sa mga daungan, mga naputol na puno, mga sasakyang lumubog at binahang mga lansangan.
Boats are left lying in the front yards of Treasure Island homes after Hurricane Helene passed through the Florida city. Video: The City Of Treasure Island, Florida / Screen grab from Reuters
Ayon sa National Hurricane Center (NHC), noong Biyernes ng hapon, ang kategorya ng bagyo ay ibinaba na at naging isa na lamang tropical depression, na may maximum sustained winds na 35 mph (55 kph).
Ngunit ang malakas na pag-ulang dala ni Helene ay nagdudulot pa rin ng malaking pagbaha sa maraming lugar, sanhi upang marami pa ring mga tao ang inililigtas ng mga pulis at bumbero mula sa baha sa mga apektadong estado.
Ayon sa state officials, mahigit 50 katao ang iniligtas mula sa bubungan ng isang ospital sa Unicoi County, Tennessee, mga 120 milya (200 km) hilagang-silangan ng Knoxville, makaraang malubog sa tubig-baha ang komunidad.
Sa kanilang social media post, ay sinabi ng Unicoi Emergency Managament Agency, na napigilan ng tumataas na tubig mula sa Nolichucky River ang mga ambulansiya at emergency vehicles sa paglilikas sa mga pasyente at iba pa, kaya tumulong na ang emergency crews na lulan ng mga bangka at helicopters.
US Coast Guards pull out a sailor and his dog from a sailboat during Hurricane Helene off Sanibel Island in Florida. Video: United States Coast Guard Southeast / Screen grab from Reuters
Sa Buncombe County, napilitang isara ang interstates 40 at 26 dahil sa landslides.
Ang lawak ng pinsala sa Florida ay nagsimulang makita, umaga ng Biyernes.
Ayon sa National Weather Service sa kanilang post sa X, “In coastal Steinhatchee, Florida, a storm surge, the wall of seawater pushed ashore by winds of eight to 10 feet (2.4-3 meters) moved mobile homes. In Treasure Island, a barrier island community in Pinellas County, boats were grounded in front yards.”
Nagpost din ang siyudad ng Tampa na maraming mga kalsada ang hindi maraanan dahil sa baha, habang mahigit 65 katao naman ang sinagip ng Pasco County sheriff’s office sa magdamag.
Nakiusap ang mga opisyal sa mga residente ng mga lugar na daraanan ni Helene na sumunod sa evacuation orders, kung saan ang storm surge ay inilaran ni NHC Director Michael Brennan na “unsurvivable.”
Ngunit may ilang mga residenteng ayaw umalis.
Kuwento ng 58-anyos na si Ken Wood, isang state ferry boat operator sa Pinellas County, “I should have heeded evacuation orders rather than riding out the storm at home with my 16-year-old cat, Andy.”
Aniya, “I’ll never do that again, I swear. It was a harrowing experience. It roared all night like a train. It was unnerving. The house shook.”
Search and rescue teams looking for storm survivors encounter a house engulfed in flames amid flooding in South Pasadena, Florida. Video: City of South Pasadena, FL / Screen grab from Reuters
Dagdag pa niya, “Down the hill from my house, the storm flooded some homes with chest-deep salt water. One house caught fire and burned down, shooting 30-foot flames in the stormy sky. Old Andy seemed like he didn’t care. He did fine. But next time we leave.”
Ayon naman kay Pinellas County Sheriff Bob Gualtieri, hindi agad nakatugon ang kanilang first responders sa ilang emergency calls mula sa mga residente dahil sa lagay ng panahon. Noong Biyernes, nakadiskubre ang county authorities ng hindi bababa sa limang kataong patay.
Sinabi naman ni Governor Ron DeSantis, dalawang iba pa ang namatay sa Florida.
Iniulat ng tanggapan ni Georgia Governor Brian Kemp ang 15 storm-related fatalities sa naturang estado, habang sinabi ni North Carolina Governor Roy Cooper na dalawa rin ang namatay sa kanila.
Banggit naman ang mga lokal na opisyal, iniulat ng Charleston-based Post at Courier newspaper, na hindi bababa sa 19 katao ang namatay habang nananalasa ang bagyo sa magkabilang panig ng South Carolina.
Ayon sa forecasters, “Helene was unusually large for a Gulf hurricane, though a storm’s size is not the same as its strength, which is based on maximum sustained wind speeds.”
Ilang oras bago maglandfall, ang tropical-storm winds ni Helene ay umaabot sa 310 miles (500 km), ayon sa NHC.
Kung ikukumpara, si Idalia, na isang malakas na hurricane na tumama rin sa Big Bend region ng Florida noong isang taon, ay may tropical-storm winds lamang na aabot sa 160 miles (260 km), mga walong oras bago ito naglandfall.