Hindi bababa sa 60% vaccination coverage naabot na ng 15 rehiyon
Dalawa na lamang sa 17 rehiyon ang kailangang mag-double time para maabot ang kahit man lang 60 percent ng kanilang target population, sa Covid-19 vaccination program.
Batay sa datos na ibinahagi nitong Biyernes ng National Task Force Against Covid-19, ang SOCCSKSARGEN ay may full vaccination coverage na 56.06%, habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay may 25.95 percent.
Siyam na rehiyon naman ang mayroon nang hindi bababa sa 70% ng kanilang target, isang taon makaraang simulan ang pagbabakuna noong Marso ng 2021.
Ito ay ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Western Visayas.
Nakumpleto naman ng mga rehiyon ng MIMAROPA, Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao at Caraga ang pangunahing serye ng Covid-19 na 60 porsiyento ng kanilang target na populasyon.
Ang Pilipinas ay nakapagbakuna na ng 139.5 milyong doses ng Covid-19 vaccine sa buong bansa, kung saan 64,838,213 Filipinos ang nabigyan na ng first dose, kabilang ang single-shot na Janssen at Sputnik Light.
Sa mga fully vaccinated naman, 11.3 milyon na ang nabigyan ng booster o additional doses.