Hindi bababa sa anim patay sa pananalasa ng Tropical Storm Debby sa US
(Reuters) – Inihayag ng National Hurricane Center (NHC), na binaha ang coastal Georgia at South Carolina dulot ng Tropical Storn Debby, na may dalang malalakas na mga pag-ulan na maaaring maging sanhi rin ng mapaminsalang pagbaha sa Charleston, Savannah at iba pang mga lungsod sa timog-silangan ng Estados Unidos.
Hindi bababa sa anim katao ang namatay sa Florida at Georgia sa kasagsagan ng bagyo, na inaasahang magtatagal ng ilang araw sa mga baybayin ng southeastern at mid-Atlantic.
Ayon sa NHC, “Debby is expected to produce potentially historic rainfall totals of 10 to 20 inches (25 cm and 51 cm), with maximum amounts of 25 inches (63.5 cm), bringing areas of catastrophic flooding across portions of the eastern half of South Carolina, and southeast North Carolina through Friday.’
Samantala, nagdeklara na ng state of emergency ang mga gobernador sa nabanggit na mga estado.
Sinabi pa ng Miami-based center, “The storm featured 40-mile-per-hour (64 kph) winds as it chugged along slowly at 5 mph (8 kph) to the northeast, with its center located about 50 miles (80 km) east of Savannah, Georgia, on Tuesday night. Heavy rainfall could cause flooding in parts of the mid-Atlantic through Sunday.”
Mahigit sa walong pulgada o 20 sentimetro na ng ulan ang ibinagsak ng bagyo sa Savannah at Valdosta, Georgia, ayon sa National Weather Service, habang ang Charleston at Hilton Head, South Carolina, ay binagsakan naman ng nasa pagitan ng 10 at 12 pulgada (25 and 30 cm) ng ulan, at inaasahang madaragdagan pa ang babagsak na ulan.
Sinabi ni Charleston Mayor William Cogswell, na mahigit sa dalawang talampakan (61 cm) ng ulan ang inaasahang babagsak sa kaniyang siyudad bago umalis ang bagyo.
Aniya, “Even at low tide, storm surges of between 4 and 6 feet (1.2 and 1.8 meters) will prevent floodwaters from draining into the sea. There are ‘not enough pumps in the world’ to handle that much rain.”
Kaugnay ng bagyo ay pinalawig pa ni Cogswell ang pagpapatupad ng isang citywide curfew hanggang nitong Miyerkoles ng umaga.
Ayon sa alkalde, “Nobody should be out on the streets in these conditions unless it is an absolute emergency.”
Nagpalabas naman ng babala ang tanggapan ng county sheriff sa mga residenteng naninirahan sa nasa 50 milya (80km) hilaga ng Charleston na agad na lumikas, sa pangambang umapaw ang McGrady Dam sa Colleton Vounty na bahagi ng Lowcounty ng estado.
Si Debby ay naglandfall bilang isang Category 1 hurricane sa the Big Bend region ng Gulf Coast ng Florida noong Lunes ng umaga, at nagbagsak ng 8 – 16 na pulgada (20 to 41 cm) ng ulan sa ilang bahagi ng central Florida, ayon sa local reports.
Ang bagyo ang sinisisi sa pagkamatay ng lima katao sa Florida, at isa malapit sa Valdosta, Georgia.
Sinabi ni Savannah Mayor Van Johnson, “The city could expect a ‘once-in-a-thousand-year’ rain event. This will literally create islands in the city.”