Hindi bababa sa apat patay dahil sa mga banggaan sa Germany
Hindi bababa sa apat katao ang namatay dahil sa ilang aksidente sa kalsada sa Germany, bunsod ng yelo at niyebe.
Ayon sa pulisya, dalawang lalaki ang namatay nang ang kanilang sasakyan ay bumangga sa isang trak sa isang madulas na kahabaan ng autobahn patungo sa Munich sa katimugang estado ng Bavaria.
Sa Ore Mountains sa timog-silangan ng bansa, isang 10-taong-gulang na batang lalaki ang nasawi nang ang bus na sinasakyan niya ay bumangga sa isang snow plough at pagkatapos ay sa isang puno.
At sa timog-kanlurang estado ng Baden-Wuerttemberg, isang 57-taong-gulang na babae ang namatay nang ang kanyang sasakyan ay sumalpok sa isang bus.
A truck is lying crosswise on the A7 highway between Heidenheim and the Brenztal bridge on Tuesday. The truck had overturned on a slippery road in the early morning. The full closure could only be lifted after several hours, resulting in a traffic jam several kilometers long in the icy cold. Photo: Jason Tschepljakow/dpa/Jason Tschepljakow / DPA / dpa Picture-Alliance via AFP
Sa website naman ng Munich airport, na ikalawang pinakamalaking paliparan ng Germany nakasaad, “there were still ‘severe restrictions in air traffic following closures and repeated cancellations since the weekend. The flight schedule was ‘severely reduced’ due to the extreme weather conditions.”
Nagsara ang Munich airport noong Sabado dahil sa malakas na pagbuhos ng yelo sa timog ng Germany, sanhi para ma-stranded ang libu-libong mga pasahero.
Muli itong isinara nitong Martes ng umaga dahil sa “freezing rain” na lubhang delikado para sa paalis at palapag na mga eroplano.