Hindi braces agad kapag sungki-sungki ang ngipin
Kumusta sa lahat! Sagutin ko ang nagtatanong sa atin tungkol sa sungki-sungki niyang ngipin,
At kung ang pagpapa – braces daw ba ang sagot sa problema niyang ito ?
Alam po ninyo kapag sungki-sungki ang ngipin , may steps ang treatment na ginagawa , hindi puwede na diretsong mag braces na lang .
Kaya sungki-sungki ang mga ngipin, kasi ang ang ngala ngala o ang panga ay maliit.
So, ang magiging treatment ay palatal expander o functional jaw orthopedics, kung tawagin Sungki – sungki dahil maliit ang jawbone.
Kailangang ma-expand ang uuper jaw at lower jaw para magkasya.
Mahalagang mapalapad o I-widen muna ang arko ng buto para ang ngipin ay magkasya.
Kung magbe braces agad, kadalasan sa mga traditional dentist, binabawasan nila ang ngipin ng apat na ngipin sa itaas at ibaba,
kaya walong ngipin ang mawawala, para lang magkasya.
Ang isang functional dentist ay magsasagawa muna ng widening o expander for about 6 months para lumapad o lumaki ang ngala ngala.
Ngayon, kapag lumapad na at nakuha na ang scientifi na lapad, saka pa lamang magbe-braces.
Para sa kabatiran ng mga nagbabasa, ang trabaho po ng braces ay finishing.
Aayusin na lang ang ngipin para magkasya, at hindi rin dapat na nagbubunot ng ngipin.
Noong araw ito ang practice, binubunot ang ngipin .
Pero, hindi na po ngayon, nag evolve na ang dentistry, marami na pong pagbabago.
Sana ay nasagot at naunawaan nang nagpadala ng tanong itong ukol sa sungki-sungking ngipin at kung kelan dapat I -braces.
Hanggang sa susunod ulit !