Hindi lahat ng bukol na tumutubo sa katawan ay Cancerous, ayon sa eksperto…Pero mahalagang ito ay ipakonsulta
“Hindi lahat ng bukol ay cancerous” ito ang binigyang diin ni Dr. Billy James Uy, isang Surgeon mula sa Pacific Global medical center.
Ayon kay Dr. Uy, kung may nakakapang bukol sa alinmang bahagi ng katawan, hindi naman agad ito tatanggalin kung kaya, walang dapat na ikatakot.
Dr. Billy James Uy:
“Hindi naman porke magpatingin ka ay tatanggalin na agad, ina-assess pa rin po namin yan, is there a need to resect and of course the other thing is, kung kayang tanggalin, kung talagang dapat na tanggalin, so ang misconception kasi ng karamihan is kapag tinanggal o ginalaw mo ang isang bukol pwedeng kumalat, now, ang katotohanan nyan is, kung cancer yan, kahit wala kaming gawin, kakalat siya— so ano ba ang take home message?- kapag may bukol o may possible na may cancer yan – it is better to treat it early, the best treatment is to remove it early at an early stage.”
Dagdag pa ni Dr. Uy, kung sakaling na-diagnose na may bukol sa kahit na anong bahagi ng katawan, huwag na itong paabutin pa sa stage 4, upang maiwasan ang hindi magandang pangyayari.
Ulat ni Belle Surara