Hindi lang junk food, ngayon may gulay na; vending machines nakibagay na rin sa virus crisis
ENNEVELIN, France (AFP) – Dahil sa covid crisis, nauso ang mga negosyong nagbebenta ng mga pagkain sa mga office worker gaya ng chocolate bars, ngayon naman sa pamamagitan ng isang French vending machine makers, ang mga produkto ng mga eksperto sa pagtatanim ay pwede na ring mabili.
At para sa mga magsasakang nais na direktang makapagbenta sa mga consumer, ang vending machines ay nag-aalok ng paraan para matugunan ang bagong demand pero mamalagi na maipatutupad ang health regulations.
Nagsulputan ang mga vending machine sa kahabaan ng highways at malapit sa mga sakahan, at isa sa naging pangunahing beneficiaries nito ay ang Le Casier Francais, na inulan ng orders at inaasahang madodoble pa ang 1.2 million euros ($1.5 million) ng kinita nito noong isang taon.
Ang maliit na kompanya na may 22 mga manggagawa na naka base sa northern France, ang nagde-design at gumagawa ng vending machines, pati ang refrigerated models na konektado sa internet.
Mula nang sumailalim sa unang lockdown ang France noong Marso dahil sa coronavirus crisis, ay sumigla na ang mga negosyo.
Ayon sa director ng kompanya na si Manuel Moutier, dose-dosenang inquiries ang kanilang tinatanggap araw-araw.
Gayunman, hindi lahat ng resulya ay maayos, at kinailangan ng panahon para isapinal ang isang proyekto na malimit ay nangangailangan ng bank financing.
Subalit sinabi ni Moutier, na ngayon ay may bago na silang mga kliyente gaya ng company cafeterias at delicatessens.
Ang isang machine mula sa Le Casier Francais na may daan-daang maliliit na lockers ay nagkakahalaga ng 40,000-50,000 euros ($48,000-60,000). May kalakihang puhunan, pero ayon sa ilang producers ay agad din namang mababawi.
Si Benoit Soufflet, na nagsasaka ng gulay sa labas ng northern city ng Lille, ay nag-install ng isang machine na may 60 lockers sa pagsisimula ng July.
Aniya, sa loob ng tatlong buwan ang 30,000 euros na kaniyang ipinuhunan ay nabawi na niya, at nagpapasalamat siya sa 10,000-15,000 euros na kinikita nya buwan-buwan.
Dagdag pa nito, ang kanilang sakahan ay kahilera ng isang supermarket … at maraming tao ang humihinto sa kanilang sakahan para bumili ng isang salad o bungkos ng labanos at ito aniya ang nagbigay sa kaniya ng ideya na mag-install ng vending machine.
Kung dati na si Soufflet ay nakikipagnegosasyon sa wholesalers, ang vending machines ay nagbibigay ngayon sa kaniya ng 30-40 percent sales by volume.
Aniya, bahagi nito ay maaring dahil sa hindi na siya nagbabayad ng middleman, at pwede na niyang i-alok ng direkta sa consumers ang kaniyang mga produkto na mas mura kaysa supermarket prices.
Sinabi naman ni Mair Froment, na nag-install ng isang vending machine na may 88 lockers malapit sa kaniyang farm sa Thun-Saint-Amand, isang village na may 1,100 residente malapit sa border ng France sa Belgium, na hindi niya inaasahang malaki ang kaniyang kikitain, at mas mainam pa aniya ang kita sa vending machine kaysa kanilang farm store.
Laman ng kaniyang vending machine ang kaniyang dairy products gaya ng itlog, at may kasama ring mga gulay, apple juice at waffles.
Aniya, dahil sa pandemya kaya mas pinipili ng mga tao na bumili sa vending machine kaysa magtungo sa mga tindahan.
Gayunman, sinabi ni Mathieu Lucas na isang magsasaka sa Bailleul-le-Soc, na isang oras ang layo mula sa hilaga ng Paris, na hindi laging madali ang pag-i-install ng connected machines sa mga rural area, dahil minsan ay nagkaka-problema sa 4G connection.
Ang pagkakaroon aniya ng isang connected machine na tumatanggap ng card payments ay mahalaga hindi lamang para sa customers, kundi para mapigilang sirain ito ng mga masasamang loob na gustong makakuha ng cash.
Ayon naman kay Soufflet, kailangan ding regular na lagyan ng laman ang vending machine, kaya may tao silang nagtatrabaho ng full-time na siyang naglalagay ng stock, kahit man lang dalawang beses isang araw, dahil kapag walang laman ang lockers ay hindi na babalik ang kliyente.
© Agence France-Presse