Hindi pa makakaupo sa puwesto ang mga nanalong kandidato sa katatapos na BSKE
Sa kabila ng kautusan ng Korte Suprema na nagsasabing dapat isang araw pagkatapos ng eleksyon maupo na sa puwesto ang mga nanalong opisyal.
Sa naunang rulling ng Korte Suprema, sinabi nitong dapat ang termino ng mga mananalong opisyal ay magsimula noong January 1 ngayong taon dahil sa ginawang pagpapaliban sa bske.
Pero ayon kay Comelec Chairman George Garcia, humingi sila ng gudeilines sa Department of Interior and Local Government o DILG para magkaroon ng transition period kahit sa loob ng isang Linggo.
“Ang sabi po kasi ng Supreme Court ang pagsisimula ng term of office ng lahat ng mahahalal ng October ay dapat January 1 ng 2023 so nakalipas na po yun tapos na eh. Nakiusap po tayo kay Secretary Abalos baka pwedeng pag-aralan nila na baka puwedeng may tranisition period baka magkagulo tayo kasi kinakailangan may proper transfer ng mga kagamitan pondo at mga dokumento.” pahayag ni Comeclec Chairman George Garcia.
Hihintayin aniya ng Comelec ang ilalabas na circular ng DILG.
Nangangamba rin ang opisyal na kung agad pauupuin sa puwesto, maaaring hindi agad pumayag ang mga incumbent officials.
“Ang una po nating in-advise dapat po kasi hindi makapag assume ang mga official hangga’t walang submission ng SOCE o Statement of Contribution and Expenditure ang sabi natin puwede namang i- forego ng DILG yon hindi puwedeng i-forego ng Comelec sa amin mayroon kayong SOCE o wala you can assume pero siyempre iba po ang DILG.” wika pa aniya ni Garcia
Inamin naman ni Garcia na hindi magagawa ng Comelec ang kanilang target na gawin na ring automated ang susunod na BSKE sa 2026.
Pangarap sana ito ng Comelec kaya nagsagawa ng pilot run ng automated BSKE kahapon.
Pero sabi ni Garcia, dahil may desisyon na ang Supreme Court na dapat masunod ang tatlong taon na pagdaraos ng BSKE, kailangang idaos na ang susunod na bske sa 2025.
Pero kulang ang kanilang pondo para gawing automated ang BSKE sa buong bansa.
“Kapag tayo ay nag-automated BSKE para sa2025 ang filing ng COC sa buong Pilipinas may ng 2025 bakit ganun kaaga ihahanda ng Comelec ang lahat ng ballot phases sa buong Pilipinas 42,001 na barangays iyan mga ballot phases ang gagawin problematic iyan kung ginawa na 2026 walang problema kaya i automate” dugtong pa ni Chairman Garcia
Meanne Corvera