Hinihinalang POGO hub sa Tarlac, sinalakay ng mga awtoridad
Sa bisa ng dalawang warrants mula sa korte, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PNP, AFP at Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) ang isang hinihinalang POGO hub sa Bamban, Tarlac.
Nag-ugat ito sa mga kasong trafficking in persons at serious illegal detention laban sa mga tauhan at opisyal ng Zun Yuan Technology Inc. na isinampa ng Vietnamese na nakatakas sa pasilidad noong Pebrero 28.
Ayon sa PAOCC, humingi rin sa kanila ng saklolo ang isang Malaysian na nakaditene sa compound.
May natukoy na ang mga otoridad na 234 Pilipino, 107 Chinese, 58 Vietnamese, 6 Malaysian, 2 Rwandan, at 1 Taiwanese sa lugar na sumasailalim na sa panayam ng PNP- CIDG
Sinabi pa ni PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz na nakita sa lugar ang mga android smartphones at iPhone at mga script na katulad na ginagamit sa love scam modus.
May mga narekober din na matataas na kalibre ng baril.
Maghahain naman ng cyber warrant ang pulisya at DOJ IACAT para mabuksan ang nilalaman ng gadgets.
Moira Encina