Hinihinalang shabu at iba pang kontrababdo, nakumpiska ng mga otoridad sa Maximum Security Compound sa Bilibid
Nagsagawa ng “Oplan Galugad” ang mga tauhan ng New Bilibid Prisons at Bureau of Corrections sa Maximum Security Camp.
Ayon sa Bucor, nasabat sa kanilang operasyon ang ibat-ibang uri ng kontrabando mula sa Building 3B ng Maximum Security Compound.
Kabilang na rito ang white crystalline substance na hinihinalang shabu.
Nakumpiska rin mula sa mga inmates ang ilang cellphones, pocket Wi-FI, SIM cards, chargers, earphones, playing cards, salapi, mga sigarilyo at tabako at iba pang kontrabando.
Nai-turn over na sa Investigation Section ang mga confiscated items.
Sinabi ng BuCor na bagamat abala ang pamunuan ng Bilibid sa paglaban sa Covid-19 ay tinitiyak ng mga ito na hindi sila nakalilimot sa pangunahing tungkulin nila na mapigilan ang mga kriminal na aktibidad ng mga inmates na nasa kanilang pangangalaga.
-Moira Encina