Hinihinalang sink hole phenomenon, natagpuan ng mga residente sa Bulan, Sorsogon
Natagpuan ng mga residente ang isa umanong hinihinalang sinkhole sa kabundukan ng bgy. calpi, bayan ng Bulan sa lalawigan ng Sorsogon.
May lalim na pitumput limang talampakan o katumbas ng tatlong palapag na gusali sinasabing sinkhole.
Nagdulot ito ng malawak na pagguho ng lupa at pagkasira ng mga kakahuyan sa paligid kaya binisita ito ng mga taga MDRRMO-Bulan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente na halos isang kilometrong layo mula sa pinakamalapit na kabahayan.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang pagdating ng mga taga Mines and Geosciences Bureau o MGB sa lugar upang matiyak kung ito nga ay sinkhole phenomenon.
Ulat ni Orlando Encinares