Hinihinging block grant ng Bangsamoro government tinapyasan ng Kamara at Senado

Hindi nasunod sa inaprubahang Bangsamoro Basic Law ng Kamara at Senado ang hinihinging taunang block grant o share sa Internal Revenue Allotment o IRA ng Bangsamoro region.

Ayon kay Senador Cynthia Villar, sa inaprubahang bersyon ng dalawang kapulungan, ibinaba na sa 5 percent o 59 billion ang taunang pondo ng rehiyon mula sa orihinal na panukala ng Bangsamoro Transition commission na 6 percent o 72 billion pesos.

Hindi rin naaprubahan ang panukala ng btc na mabigyan sila ng otorisasyon na magpasa ng sariling budget dahil kailangang dumaan ito sa approval ng kongreso batay sa umiiral na batas.

Nakasaad din sa panukala na limang taon pagkatapos maratipikahan ang BBL, maglalaan ang gobyerno ng karagdagang pondo para sa mga infrastructure projects at development ng Mindanao.

Iginiit ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on local government, ang nabugong BBL ay na resulta lamang ng konsultasyon sa iba’t -ibang sektor kasama na ang mga mamamayan sa Mindanao.

Nauna nang nagsagawa ng pagdinig ang Senado sa ibat ibang lalawigan sa mindanao para personal na makausap at makonsulta ang mga residente doon.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *